"Sa akin masakit 'yon... Na-guilty ako dahil, ako ba ang nagpalakas ng loob niya? Mula noon and until now, hindi ko masabing, 'Mag-whistleblow ka...' Kung ako sarili ko itinaya ko, kaya ko. Hawak ko 'yung buhay ko."
Naging emosyonal ang dating COA Commissioner na si Heidi Mendoza nang alalaahin ang kakilala niyang isang opisyal sa munisipyo na naging whistleblower at nakipagtulungan sa kanilang opisina. Pinaslang umano ito dahil sa pagsiwalat ng ebidensya laban sa isang mayor.
Giit ni Mendoza, kulang ang proteksyon ng mga whistleblower sa ating bansa.
Mapapanood rito ang full interview ni Malou Mangahas kay former COA Commissioner Heidi Mendoza:
Facebook: https://bit.ly/382deFS
Youtube: https://bit.ly/3y3sBbB